-- Advertisements --
Nagbanta ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanilang ipapasara ang mga establisyemento na nakapaligid sa Bangkulasi River sa Navotas.
Kasunod ito sa patuloy na kampanya ng ahensya sa paglilinis ng kailugan at bahagi ng Manila Bay rehabilitation.
Sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na kapag nakuha na nila ang mga pangalan ng commercial establishments na nakapaligid sa ilog ay agad nila itong bibigyan ng mga ito ng cease and desist orders.
Inamin naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na may malaking bahagi ng ilog ang lubhang apektado ng polusyon.