LAOAG CITY – Sinabi ni Civil Military Operations Officer ng 501st Infantry “Valiant” Brigade Major Bryan Albano na hinihikayat ng ilang makakaliwang grupo ang mga kabataan na sumali sa mga armadong grupo.
Aniya, nagsagawa sila ng Regional Peace and Order Council sa pangunguna ni La Union Gov. Raffy David-Ortega kasama ang mga gobernador ng region one.
Sabi niya, sa pamamagitan nito, inilunsad nila ang isang Information Education Campaign para sa mga kabataan upang ilayo sila sa pagsali sa mga makakaliwang grupo.
Paliwanag niya na ipinapadala ng mga makakaliwang grupo ang kanilang mga na-recruit na kabataan para magdulot ng kaguluhan at magsimula ng terorismo sa lugar.
Ipinaliwanag pa niya na ang hakbang na ito ay programa ng gobyerno para pigilan at hadlangan ang masasamang hangarin ng mga makakaliwang grupo.
Kaugnay nito, ang pagpapakalat ng tamang impormasyon sa mga paaralan ay napakalaking tulong sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang partisipasyon sa Reserve Officers’ Training Corps.
Samantala, nais nilang bisitahin ang lahat ng mga paaralan sa buong rehiyon uno upang maitanim sa kanilang isipan ang dapat nilang gawin upang maiwasang ma-recruit ang mga ito sa mga makakaliwang grupo.
Inihayag niya ito ilang araw bago ang anibersaryo ng New People’s Army sa Marso 29.
Nauna rito, ilang kabataan ang na-recruit ng mga rebeldeng grupo dahilan upang isulong nila ang kampanya para sa proteksyon ng mga estudyante laban sa terorismo.