-- Advertisements --

Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang ilang mga mag-aaral ng Islamic school sa north-central Nigeria.

Ayon sa state police na walang habas na nagpaputok ng kanilang baril ang mga suspek kung saan isang katao ang nasawi.

Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ilan ang bilang ng mga mag-aaral na dinukot ng mga armadong mga suspek.

Sinabi naman ni Niger State Government spokesperson Mary Noel-Berje na mayroong 11 mga bata ang unang pinakawalan ng mga suspek na kinabibilangan ito ng mga kindergarten, elementary at middle school age na mga estudyante.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kidnappers para sa agarang pagpapalaya ng mga biktima.