-- Advertisements --
Ipinagbawalan ng ilang European Countries ang ilang flights mula sa United Kingdom.
Ito ay para mapigil ang pagkalat ng bagong uri ng coronavirus.
Kapwa hindi nagpapasok ang Belgium at Netherlands sa mga flights mula sa UK.
Hindi rin pinapasok ng Belgium ang mga trains mula rin sa UK.
Nagpahayag din ang Italy, France at Germany na pagbawalan ang nasabing flights.
Nauna rito sinabi ng ilang mga top health officials na walang ebidensiya na ang bagong uri ng coronavirus ay nakakamatay at ito ay 70% na mas nakakahawa.
Dahil sa insidente ay nagpatupad si British Prime Minister Boris Johnson ng paghihigpit.