-- Advertisements --
Hinikayat ng Food Industry Asia (FIA) at International Council of Beverages Associations (ICBA) ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na suspendihin ang bagong kautusan nito na dapat ay mayroong permit at bayad sa mga importing sugar alternatives.
Sa sulat ng grupo kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, na mahalaga na magkaroon muna ng konsultasyon sa pagitan nila at SRA bago ito ipatupad.
Maging ang Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC) ate Beverage Industry Association of the Philippines ay nagsabi na ang nasabing kautusan ay magdudulot pagtaas ng presyo sa kanilang produkto.
Magugunitang inilabas ang kautusan dahil sa walang pakundangang pag-import ng mga asukal at ilang sweeteners sa bansa.