-- Advertisements --

Inilipat sa Dubai ang ilang football qualifiers sa China dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Chinese Football Association, dahil sa kailangang mag-quarantine ang mga manlalaro ng Maldives at Syria kaya minabuti nila na ilipat na lamang ang mga laro para hindi maapektuhan ang kanilang paglahok sa 2022 World Cup qualifiers.

Pitong koponan sa Group A ang apektado na kinabibilangan ng China, Syria, Maldives, Pilipinas at Guam.

Ang nasabing desisyon ay base na rin sa rekomendasyon ng Asian Football Confederation kung saan ang mga natitirang mga qualifying matches ay gagawin na lamang sa Dubai.

Nasa Dubai na kasi ang Maldives at Syria at sila ay hindi pinayagang makapunta sa Dubai.