Inaresto ng mga otoridad ang dalawang Vietnamese at dalawang Chinese national dahil sa pagkakaroon ng matataas na kalibre ng baril matapos ang kanilang isinagawang operasyon .
Sa bisa ng search warrant , hinalughog nila ang isang condominium unit sa Makati City .
Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina “Zhou,” 28, “Phuong,” 30, parehong Vietnamese national at pangunahing subject ng search warrant.
Nahuli rin ang dalawang Chinese national na kinilalang sina “Li,” 33, at “Zhang.”
Ang apat ay nakatira sa condo unit.
Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon ng Investigation and Detection Management Section (IDMS) kasama ang Special Weapons and Tactics (SWAT) team at mga tauhan mula sa Ayala Sub-station ng Makati City Police Station.
Ang search warrant ay para kina Zhou at Phuong ay inisyu ni Hon. Cristina Javalera Sulit, 1st Vice Executive Judge ng Makati City Regional Trial Court (RTC).
Narekober ng pulisya sa mga suspek ang isang rifle, isang submachine gun, at isang pistol kasama ang ilang mga basyo ng bala.
Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.