Sunod-sunod na nagbitiw ang ilang mga opisyal at myembro ng parilamento ng United Kingdom.
Sa televised interview ay inanunsiyo ni Bim Afolami ang vice-chair of the Conservative Party na ito ay magbibitiw sa puwesto.
Kasunod ito ng pagbibitiwn nina parliamentary private secretary Saqib Bhatti at health secretary Sajid Javid.
Unang sina bi ni Javid na tila nawala na sila ng tiwala sa pamumuno ni Johnson.
Inaasahan kasi na maiging seryoso at may kakayahan ang gobyerno.
Nanawagan din si Afolami na bumaba na rin sa puwesto si Johnson.
Ayon naman kay Johnson na kaniyang ginagalang ang naging pasya ng mga opisyal na nagbitwi sa kanilang mga puwesto.
Noong nakaraang buwan kasi ay nagwagi si Johnson sa confidence vote.
Ipinalit naman ni Johnson si education secretary Nadhim Zahawi sa binakanteng puwesto ni Sunak habang ang kaniyang chief of staff na si Steve Barclay ay ipinalit sa puwesto ni Javid.