Pansamantalang tinanggal ng korte sa New York ang ilang gag order laban kay dating US President Donald Trump.
May kaugnayan ito sa hush-money case nito kung saan napatunayan siyang guilty sa pamemeke ng mga business records noong nakaraang buwan.
Base sa kautusan na inilabas ni Justice Juan Merchan, na papayagan ng magsalita sa publiko sa Trump ukol sa mga witness sa kaso at ang kabuuang jurors sa pagdinig.
Ipinagbabawal pa rin sa kaniya ang magsalita sa publiko tungkol sa court staff, prosecutors at ang kanilang mga pamilya.
Itinago ang pagkakakilanlan ng mga jurors dahil sa high-profile ang kaso at sila ay nananatiling protektado.
Magugunitang ipinatupad ni Merchan ang gag order noong Marso dahil sa pag-atake ni Trump sa anak ng isang judge kung saan pinatawan na rin dito sa Trump.
Kinondina naman ito ni Trump na ang Gag order ay hindi makatarungan at unconstitutional.