-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang unreleased na kanta ng American rock guitarist at singer na si Jimi Hendrix.

Ito ang unang pagkakataon na ang mga fans ay makabili ng personal na gamit ni Hendrix.

Ilan sa mga gamit ay ang 50 rare tapes kabilang ang master recording at mga hindi pa nailalabas na tracks.

Kasama rin dito ang mga pesonal na paperworks gaya ng payslips para sa kaniya at bandmates , sulat kamay na form ni Hendrix, dry cleaning bills at tour itineraries.

Ang nasabing mga gamit ay mula kay Patricia “Trixie” Sullivan na nakatrabaho ang manager ni Hendrix na si Mike Jeffrey.

Magaganap ang auction sa darating na Nobyembre 15 kung saan nasa 400 na mga music memorabilia ang ibebenta na pag-aari nina Michael Jackson, Queen, Arctic Monkeys, John Lennon at Oasis.