Maraming mga gobernador sa iba’t-ibang probinsiya ang bansa ang umalma sa pagsusulong ng mga mambabatas na bawasan ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).
Ang nasabing hakbang anila ay haharang sa pag-unlad ng mga nasa malalayong lugar. Sinabi naman ni Bohol Governor Arthur Yap na nakakabahala ang nasabing pagbawas ng pondo ng NTF-Elcac lalo na at sa susunod na taon pa ito tatanggap ng kanilang Barangay Development Fund (BDF).
Sa kaniyang panig na ang BDF ay makakatulong sa anim na kritikal na lugar.
Isa aniya itong isang investment para sa paglakas ng turismo ng Bohol.
Tinawag naman ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang hakbang ng mga senador bilang isang “political posturing”.
Dapat aniya tignan ng mga mambabatas na pangunahing problema pa rin sa bansa ang insurhensiya.