Sa pagtatapos ng buwan ng Marso, patuloy parin ang pakikiisa ng ilang mga government agencies sa selebrasyon ng National Women’s Month.
Kabilang sa mga naki-isa ay ang Department of Social Welfare and Development kung saan sinisiguro ng kagawaran na mapapangalagaan ang karapatan ng kababaihan at magkaroon ng puwang sa lipunan.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian tinitiyak ng kanilang ahensya na patuloy ang kanilang pagsulong sa adbokasiya laban sa kahirapan at mga naaagrabyadong kababaihan.
Samantala, ang Civil Service Commission naman ay binigyang pugay ang ilan sa mga kababaihang namumukud tangi ang naging kontribusyon hindi lamang sa ahensya kundi sa buong komunidad.
Nasa doseng kababaihan ang nakatanggap ng parangal mula sa Presidential Lingkod Bayan ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr.
Ilan sa kanilang naging kontribusyon ay ang mga hakbang para sa pandemic preparedness.
Dagdag pa rito ay ang kontribusyon pagdating naman sa economic transactions ng bansa tulad na lamang ng pagtulong sa mga banko na magkaroon ng mas matatag na networks at masiguro ang pagpapatuloy ng negosyo.
Mayroon rin silang naging kontribusyon pagdating sa digitalization kung saan mas pinadali nito ang proseso ng pag bukas ng account sa banko, mula 45 mins ay naging 10 to 15 mins na lamang.
Panghuli ay ang kontribusyon sa edukasyon, kung saan sila ay bumuo ng Comprehensive Approach Response Education and Rehabilitation Program.
Layunin nitong matulungan ang mga kabataan pati narin ang mga Persons with disabilities na mga mag aaral.