-- Advertisements --
Nakaranas ngayon ng malawakang cyberattack ang Ukraine kung saan tinamaan ang mga government websites.
Ayon kay Deputy Prime Minister Mykailo Fyodorov, na bukod sa mga government websites ay may ilang bangko rin ang nabikitma ng nasabing cyberattacks.
Inakusahan din nila ang Russia na sila ang nasa likod ng cyber-attacks.
Ang ilang mga gumaganang sites ay lumipat na sa ibang provider para maiwasang magkaroon ng malawakang damyos.
Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay inatake rin ng cyber attacks ang ilang ministries at banks websites mula sa denial-of-service na galing umano sa Russia.