Dumarami pa lalo ang bilang ng mga grupo na sumusuporta sa paglipat ni Pinoy boxer Eumir Marcial sa professional division.
Sinabi ni national boxing coach Nolito ‘Boy’ Velasco na walang magiging problema sa pagiging professional boxer niya basta payagan ito ng kaniyang manager na maglaro rin sa Olympics.
Dagdag pa nito na kung sakaling gusto nito na maging pro-boxer ay dapat pumirma rin ito ng kontrata na papayagan muna ito na magkaroon ng tune-up fight bago ang pagsabak sa Olympics.
Magugunitang ilang mga boxing promoters gaya ng MP Promotions ni Senator Manny Pacquiao ang interesado na makuha si Marcial para maging pro-boxer ang 24-anyos na boksingero.
Nanawagan naman ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na hayaan muna si Marcial na pagtuunan niya ng pansin ang pagsabak nito sa Olympics bago ang pagiging pro-boxer.