-- Advertisements --

Magtutungo naman sa Middle East ang ilang mga high-level American officials kabilang ang Central Intelligence Agency (CIA) chief William Burns para isulong ang ceasefire plan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Si Burns ay magtutungo sa Qatar habang si Middle East adviser Brett McGurk ay magtutungo sa Egypt.

Inaasahan na tatalakayin ni McGurk kasama ang ilang mga regional leaders ang patuloy na ground operations sa Rafah.

Maguguntiang nangunguna ang Qatar, US at Egypt sa mga nagsusulong ng peace deal para tuluyan ng mawakasan ang kaguluhan sa Gaza.