Ipinanukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III na dapat tignan ng gobyerno ang posibilidad ng paghigpit sa mga indibwal na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Concepcion na dapat ikonsidera ng gobyerno ang paghihigpit gaya ng pagbabawal sa mga hindi nababakunahan na mga indibiwal na makapasok at makakain sa mga establishemento o makapunta sa ibang mga lugar.
Isang malaking hamon din sa 2022 ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa fourth quarter ng taon.
Bukod pa dito ay ipinanukala din nito na mabigyan ng incentives ang mga negosyante na unang makapagpabakuna sa lahat ng kanilang emplyeado.
Maging ang mga indibidwal na nabakunahan na ay mabibigyan rin ng insentibo gaya ng maluwag silang makakagalaw sa ibang lugar at ang hindi na sila isasailalim sa mandatory test kapag sila ay fully protected na.