Tinangkilik ng iba’t-ibang mga Hollywood celebrities at mga sports personalities ang bagong clothing line ni Vanessa Bryant kasabay ng ika-15 kaarawan ng yumaong anak na si Gianna.
Sa kaniyang Instagram ay nagbigay ng mensahe ang maybahay ng NBA legend na si Kobe kung saan inaalala nito ang masayang alaala ng anak noong buhay pa ito.
Sa kani-kanilang mga social media account ay nagpost ang ilang mga celebrities na suot ang MAMBACITA clothing gaya nina Eva Mendes, Kate Hudson, Jimmy Kimmel, Jennifer Garner, Kim Kardashian, Cindy Crawford, Khloe Kardashian at mga NBA stars na sina Kyrie Irving, Russel Wilson, Stephen Curry at buong Golden State Warriors.
Magugunitang noong Enero 2020 ng bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.