-- Advertisements --

Suportado ng ilang mga Hollywood actors ang pagbabalik sa acting ni Kevin Spacey.

Mula kasi noong 2017 ng maharap sa reklamong sexual misconduct ang actor ay hindi na ito nakagawa ng mga pelikula.

Napatunayan ng korte na guilty ang actor sa sexual assault laban sa apat na lalaki mula 2001 hanggang 2013.

Noong 2022 ay ibinasura naman ng korte sa US ang nasabing mga kaso laban sa actor.

Ilan sa mga actors na nagpahayag ng suporta ay sina Stephen Fry, Liam Neeson at Sharon Stone.

Una ng itinanggi ng two-time Oscar winner ang nasabing mga alegasyon laban sa kaniya.