-- Advertisements --
Naging star-studded ang NFL games sa pagitan ng Kansas City Chiefs laban sa New York Jets.
Ang nasabing pagdagsa mga artista ay isang linggo ng makitang nanood si Taylor Swift para magbigay suporta sa nauugnay sa kaniyang Chiefs player na si Travis Kelce.
Ilan sa mga dumalo sa NFL games ay sina Ryan Reynolds, Blake Lively at Hugh Jackman na kasama ni Swift.
Kasama sa listahan ng singer sina Sabrina Carpenter, Antoni Porowski at Queer Eye.
Magugunitang naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang pagdalo ni Swift sa laro ni Kelce kung saan kasama pa ni Swift ang ina ng napapabalitang nobyo nito.