-- Advertisements --

Sumunod na ring nagbitiw sa TAPE Inc. ang producer ng “Eat Bulaga” ang iba pang mga host ng show na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Kasama ring nagbitiw sina Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Allan K at Ryza Mae Dizon.

Sa social media naman ni Pauleen Luna ay nagpost ito ng larawan ng resignation letter na pirmado ng mga nabanggit na mga host maging ang mga writers, sales production at cameramen.

Magugunitang nitong Mayo 31 ay hindi na pinayagang maka-ere ang original host ng show na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.