-- Advertisements --
Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita.
Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers.
Kanilang na-inspect na at nasabihan ang mga hotel owners sa mga ipinapatupad na protocol ngayong new normal.
Tanging mga bisita mula sa NCR Plus o mga lugar ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang papayagang makapag-book ng staycation at dapat mula 18-anyos hanggang 65-anyos ang edad na papayagan.
Paglilinaw pa ng kalihim, ang nasabing mga hotels ay hindi ginamit bilang quarantine facilities.