-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nakatanggap na ang ilang mga hotel sa Isla ng Boracay ng bookings mula sa mga dayuhang turista.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix delos Santos na ito ay batay sa kumpirmasyon sa kanya ng ilang mga may-ari at manager ng accommodation establishments.

Hinihintay na lamang umano nila ang abiso mula sa Kalibo International Airport kung magkakaroon ng direct flights mula sa mga bansang Korea, China, Taiwan at iba pa.

Simula bukas, Pebrero 10, papayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga fully vaccinated tourist mula sa mga non-visa countries na hindi na sasailalim sa quarantine.

Kailangang magpakita lamang ng kanilang mga vaccination card o certificate na inisyu abroad para makapasok dito sa probinsiya. Ang mga partially o mga hindi pa nababakunahan ay kailangang magpakita ng negative result ng swab test sa loob ng 72 oras bago ang departure.