-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagtutugis ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa operasyon ng mga iligal na fly-by-night money service business.
Ayon sa BSP na may limang bagong iligal na money changer na nag-ooperate sa lungsod ng Makati.
Apat sa nasabing mga ito ay nag-ooperate sa nighttime entertainment district na pinupuntahan ng mga dayuhan.
Dagdag pa ng BSP ang mga ito ay walang mga BSP registration na paglabag sa panuntunan nila.
Nagyong taon ay aabot na sa 10 mga iligal na money changer ang tuluyan ng ipinasara ng BSP.