Inilibas na ng Federal Bureau of Investigation ang pagkakakilalan ng gunman laban kay dating US President Donald Trump.
Kinilala ang suspek na si Thomas Matthew Crooks, 20-anyos mula sa Bethel Park, Pennsylvania.
Base sa imbestigasyon na umakyat ang suspek sa rooftop at doon isinagawa ang pamamaril.
Napatay naman ng mga nakatalagang Secret Service ang nasabing suspek.
Ang nasabing insidente ay nag-iwan sa isang rally attendee ang nasawi at dalawang iba pa na nasa kritikal na sitwasyon.
Habang nagtamo naman ng tama ng bala sa taas na bahagi ng kanang tenga nito.
Pinalibutan na ng mga otoridad ang bahay ng suspek sa Pennsylvania para sa karagdagang imbestigasyon.
Nagtapos sa Bethel Park High ang suspek kung saan ang baril na ginamit umano nito ay pag-aari ng ama.
Bagamat wala pang sapat na motibo na inilabas ang mga otoridad ay maliwanag aniya na isang uri ng “assasination attempt” sa dating pangulo ang pangyayari.
Nagtarabaho ang suspek sa Bethel Park Skilled Nursing and Rehab kung saan nakatalaga ito sa kitchen.
Ang suspek rin ay isang registered Republican base na rin sa state voter records.