Ibinunyag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang umano’y pagkukumahog na ng mga importer ng bigas na ibenta ang kanilang kasalukuyang hawak na stock.
Ang hakbang ng mga ito ay bago pa man ang nalalapit na pagiging epektibo ng EO16 ni PBBM sa July 6, 2024.
Ayon sa kalihim, nakatanggap ito ng impormasyong nagpa-panick na ang mga traders.
Ang mga traders aniya na may maraming stock ay nagsisimula nang mag-unload ng kanilang mga panindang bigas upang ibenta.
AYon sa kalihim, hinahabol ng mga ito ang kasalukuyang presyuhan na nakabatay sa pag-angkat nila ng bigas gamit ang 35% na taripa.
Una nang sinabi ng mga economic managers ng bansa na bababa ang presyuhan ng bigas oras na ipatupad ang EO 16.
Tinatayang mula P6 hanggang P7 pesos kada kilo ang itatapyas ng kasalukuyang presyuhan.