Umani ng masigabong palakpakan mula sa mga nanuod ang ilang mga ipinunto ni PBBM sa kanyang ikatlong SONA.
Kabilang sa mga nabanggit ng pangulo na umani pa ng standing ovation mula sa mga bisita ay ang paggigiit na ang WPS ay hindi lamang isang kathang isip.
Ayon sa pangulo, ang WPS ay atin.
Binigyang diin din dito ng pangulo na patuloy na igiit ng Pilipinas ang karapatan sa naturang karagatan, hindi aniya titigil, at hindi rin uurong ang bansa.
Umani rin ng standing ovation ang naging desisyon ni PBBM na ipatigil ang iligal na operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.
Sa naging mensahe pa rin ng pangulo, sinabi niyang epektibo kahapon, ipapatigil na ang operasyon ng mga ito.
Inatasan din ni PBBM ang PAGCOR na simulan na ang pagpapatigil sa operasyon ng mga natitira pa sa Pilipinas, bago matapos ang taon.
Naging matunog din ang palkpakan ng mga bisita sa pagbanggit ng pangulo sa modernisasyon ng AFP, PNP, at iba pang nasa unipormadong hanay na aniya’y patuloy na magbabantay sa mga seoberanya at teritoryo ng bansa.
Umabot sa isang oras at 22 mins ang ikatlong talumpati ng pangulo na tumalakay sa ibat ibang mga sektor, katulad ng pagpapalakas sa agrikultura ng bansa, paghahanda sa nalalapit na La Nina, infrastructure development katulad ng pagtatayo ng mga malalaking dam, kalsada, tren, public facilities, at mga eskwelahan.
Tinalakay din ng pangulo ang dagdag na allowance ng mga guro, energy transformation at pagtatayo ng dagdag na mga planta, digitalization sa mga government operations and services, kontribusyon ng mga OFWs, pamumuhunan, pagpapabuti sa healthcare sector at kalagayan ng mga narse, atbpang mga sektor at programa ng kasalukuyang administrasyon.
Sa huli ng kanyang mensahe, hiniling ng pangulo ang pagtutulungan ng bawat isa, at ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa.
AV PBBM on POGO