-- Advertisements --

Nahihirapan ang mga jeepney operator na hindi nakapagconsolidate noong Disyembre 2023 na i-renew ang kanilang registration ng sasakyan.

Sa kabila ito ng pagpapalawig ng deadline ng konsolidasyon hanggang Abril 30.

Sinabi ng transport group na Manibela at PISTON na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay hindi nagbigay ng kumpirmasyon para sa ilang jeepney units.

Kung walang kumpirmasyon, hindi maaaring i-renew ng mga jeepney operator ang mga rehistrasyon ng sasakyan ng kanilang mga unit.

Inireklamo rin ng transport group na Piston ang ilang mga unconsolidated jeepney na nahuli.

Sinabi ng pangulo ng Piston na si Mody Floranda na personal niyang nakita ang isang miyembro na dinakip ng Land Transportation Office at sinabihan na maglabas ng extension ng Provisional Authority to operate at ang Certificate of Registration para sa kanyang unit.

Idinagdag pa ng transport group na hindi bababa sa 10 jeepney ng mga miyembro ng grupo ang na-impound dahil sa walang consolidation certificate.