Marami pa ring mga Democrats ang nagpapahayag ng buong suporta sa muling pagtakbo ni US President Joe Biden.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaalyado ni Biden ang nanawagan na dapat umatras na ito.
Ilan mga kaalyado nito ang nagpahayag ng suporta ay sina Senate Majority Leader Chuck Schumer, Senator Chris Coons at si influential Congressional Black Caucus and progressives na si Alexandria Ocasio-Cortez.
Naniniwala ang mga ito na wala ng iba pang hihigit pa sa pamumuno ni Biden.
Magugunitang aabot na sa 19 na mga congressional democrats ang nanawagan ng pag-atras na ni Biden na tumakbo muli sa pagkapangulo.
Pinakahuli na nanawagan dito ay si Colorado House Democrat Congresswoman Brittany Petterson kung saan nababahala ito sa kalusugan ng pangulo lalo na ang pagdesisyon sa mga kritikal na sitwasyon.
Una ng nanindigan si Biden na hindi ito aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo at siya lamang aniya ang tatalo sa katunggali nito ng si dating US President Donald Trump.