-- Advertisements --
image 331

Wasak ang ilang mga kabahayan at istruktura sa baybaying bahagi ng Purok Sta. Cruz, Brgy. Leon Garcia, Agdao, Davao City matapos na tinamaan ng malalakas na mga alon at malakas na hangin dala ng sama ng panahon.

Nararanasan rin ng lugar ang high tide at malakas na alon sa karagatan.

Dahil dito, agad na nag-anunsyo ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga coastal barangays sa syudad na magsagawa ng pre-emptive evacuation.

Ayon kay Brgy. Captain Lita Empis, ligtas na umano ang 19 na mga pamilya na kinabibilangan ng 67 na mga indibidwal na kasalukuyang namamalagi ngayon sa evacuation area sa barangay hall ng Brgy. Leon Garcia Sr.