-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Ilang mga kabahayan sa Eastern Visayas ang naitalang totally damaged dahil sa paghagupit ng bagyong Bising.
Ayon kay Rei Echano, PDRRM officer ng Northern Samar, base sa kanilang inisyal na assessment, aabot sa 17 mga kabahayan ang totally damaged at aabot naman sa 30 ang partially damaged.
Mahigit 20,000 mga residente naman sa buong rehiyon ang isinailalim sa evacuation dahil sa bagyo at nananatili naman sa mga pantalan ang libo-libong mga stranded na mga pasahero.
Ilang mga lugar rin sa rehiyon ang nalubog sa baha at ilang mga kalsada ang hindi nadaanan dahil sa bagyo.
Ayon rin sa assessment ng mga otoridad, isa ang naitalang patay sa St. Bernard, Southern Leyte matapos na matamaan ng natumbang puno ng niyog.