-- Advertisements --

Ibinahagi ng organizer ng Miss Universe Philipipnes 2024 na may mga kandidata sila na ang trabaho ay para sa lalaki sana.

Ito ay sina Mary Rose Guiral mula Naic , Cavite na mayroong certificate bilang welder.

Isa rin na kandidata ay si Kim Irish Placibe mula Toledo City sa Cebu na nag-aaral bilang plumber.

Si Guiral ay lumaki sa orphanage na nag-aalok ng welding at computer studies kung saan masaya nitong ipinagmalaki na siya ay nakapagtapos ng nasabing kurso.

Unang nag-aral naman si Placibe ng cosmetology bilang vocational course sa high school at nagtapos siya sa plumbing.