Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilan pang mga kandidato ngayong midterm elections kung bakit hindi dapat sila masampahan ng kaso na may kaugnayan sa vote-buying at abuse of state resources na maaaring magpa-diskwalipika sa kanila.
Kabilang sa mga kandidato na pinagpapaliwanag ay ang mag-asawang Ernillo Villas at Edna Cantos Villas na kapwa tumatakbo sa Bulalacao, Oriental Mindoro bilang Mayor at Vice Mayor. Ipinagpapaliwanag ng poll body ang pagkasangkot at pangangasiwa nila umano sa pamamahagi ng 2,000 sa ilalim ng work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si re-electionist Cong Emerson Pascual ng Nueva Ecija ay pinaldahan din ng show-cause order para pagpaliwanagin ang paghingi niya ng suporta na iboto siya kapalit ng pamimigay ng pera sa lungsod ng Gapan. Samantala, kamakailan lang din ay may natanggap na complaint ang poll body patungkol kay Abraham Mitra dahil sa pamimigay niya ng limited free tickets sa isang movie screening. Ayon sa komisyon, kailangan itong ipaliwanag ni Mitra kung bakit hindi dapat i-konsiderang vote-buying ang kanyang ginawa.
Paglilinaw ni COMELEC Chairman Garcia ang mga show-cause orders na inilalabas ng poll body ay hindi agad ibig-sabihin na madidiskwalipika o kakasuhan ang kandidato. Ito ay kanilang pagkakataon para klaruhin ang kanilang sarili.