Ipagbabawal na sa China ang mga iligal na kanta sa mga videoke at karaoke.
Ang mga kanta na nasa kategoryang ito ay ang yung may laman na may banta sa national unity, sovereignty o territorial integrity.
Kasama rin na pinagbabawal ay ang nagsusulong ng ethnic discrimination o ethnic hatred, panganib sa national security o national honour at interests, paglabag sa religious policies, pagsusulong ng obscenity, gambling, violence at iban kriminal activities.
Ayon sa Ministry of Culture ang Tourism na pinayuhan na nila ang mga karaoke venues na salain mabuti ang mga kanta at tanggalin ang mga ipinagbabawal na kanta.
Magiging epektibo ang nasabing kautusan sa Oktubre 1.
Mayroong mahigit 50,000 na song and dance entertainment venues sa iba’t-ibang bahagi ng China.
Noong 2015 ay inilagay sa blacklist ang 120 kanta na nagsusulong ng obscenity, violence, crime at pangamba sa social morality.