-- Advertisements --

Ilang mga bigating personalidad ang inaasahang magtatalumpati para sa ikalawang araw ng Democratic National Convention.

Ilan sa mga dito ay sina dating US President Barack Obama, dating first lady Michelled Obama, second gentleman Doug Emhoff at ilang mga malalaking pulitiko.

Inaasahan na magbibigay ang mga ito ng kanilang talumpati ng pagsuporta kay US Vice President Kamala Harris na kanilang pambato sa pagkapangulo at ang running mate nito na si Minnesota Governor Tim Walz.

Magugunitang sa unang araw ng DNC ay nanguna si US President Joe Biden at dating First Lady Hillary Clinton ang nagpahayag ng suporta kay Harris.

Habang ang katunggali ni Harris na si dating US President Donald Trump ay nasa Howell, Michigan at ang runningmate nito na si Senator JD Vance ay mangangampanya naman sa Kenosha, Wisconsin.