-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Supreme Court ang temporaryong pagsasara ng ilang korte nila mula Enero 21 hanggang 31 dahil pa rin sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na circular ng Ofiice of the Court Administrator na sarado ang mga korte sa mga sumusunod na lugar:

Apayao sa Cordillera Administrative , Puerto Princesa City sa Region 4-B, Masbate sa Region 5, Siquijor sa Region 7, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa region 9.

Kasama rin ang Lanao del Norte sa region 10, Davao de Oro at Davao Oriental sa region 11, North Cotabato , Sarangani, Sultan Kudarat sa region 12,
Caraga: Surigao del Norte sa Caraga at Maguindanao at Basilan sa BARMM.

Magugunitang inilagay ng Inter-Agency Task Force ang nasabing mga lugar sa Alert Level 4 dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.