Pinuna ng ilang mga kritiko ni US President Donald Trump ang panibagong sanctions ng US sa Iran.
Sinabi ni Robert Malley ang president ng International Crisis Group at dating senior opisyal ni US President Barack Obama, na illogical, counterproductive at useless ang sanctions.
Magdudulot lamang ang nasabing sanctions ng kaguluhan dahil direktang isinama ni Trump ang mga opisyal ng Iran sa pamumuno ng Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at Mohammad Javad Zarif ang foreign minister ng Iran.
Ilang Democratic senators naman ang nagsabi na maaaring isisi ng mga mamamayan ng Iran ang kanilang paghihirap sa US dahil sa ipinatupad nitong sanctions.
Sa pinirmahang executive order pinagbabawalang sina Iran supreme Leader Ayatollah Ali Kahmenei at mga top diplomat ng Iran gaya nina Foreign Minister Javad Zarif na maka-access sa financial instruments para hindi sila makapagkalat ng terorismo.