Patuloy ang ginagawang paghahabla ng Social Security System (SSS) sa mga employers na hindi nagreremit ng tamang contributions ng kanilang mga empleyado.
Ayon sa SSS na mayroong apat na business establishments ang kanilang nasampahan na ng kaukulang kaso na ito ay kinabibilangan ng isang restaurant, fire extinguishers retail-refilling supplier, business process outsourcing service provider at car spare parts importer.
Ang mga ito ay bigong naghulog ng kontribusyon ng kabuuang 140 na empleyado na nagkakahalaga ng mahigit P15-milyon na contributions at penalties.
Bago nila sampahan ng kaso ay binigyan pa nila ng pagkakataon ang mga negosyante na i-settle ang nasabing mga delinquencies subalit hindi sumunod ang mga ito.
Pagtitiyak ng ahensiya na hindi sila titigil hanggang tuluyang masampahan ng kaso ang mga delinquent employers.