-- Advertisements --

Humirit ng dagdag presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer ng ilang produktong de-lata.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, na kanilang bibigyan ng tugon ang nasabing hiling sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Uunahin muna nila aniya ang mga pending request ng ilang mga produkto.

Nakatakda ring maglabas ang DTI ng mga suggested retail price ng mga produktong pang-Noche Buena items sa buwan ng Oktubre.