-- Advertisements --

Pinaplano ng ilang mga kumpanya sa Pilipinas na pumasok sa partnership kasama ang mga agriculture firm sa Israel.

Ayon kay Go Negosyo founder Joey Concepcion III, nais ng mga ito na pumasok sa mga long-term investment kasama ang naturang bansa.

Una na rin aniyang nakipagpulong ang mga naturang kumpanya sa mga kinatawan ng Israel Innovative Agro Industry (IAI), at napag-usapan ang potensyal na partnership sa larangan ng agrikultura, modernong teknolohiya para sa pagsasaka, at makabagong paraan ng pagsasaka.

Ang naturang pulong ay sinaksihan ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kasama ang mga opisyal ng bansa.

Ayon naman kay Amb. Fluss, malaki ang potensyal ng Pilipinas sa larangan ng pagsasaka, lalo na sa lawak ng mga resources nito.