DAVAO CITY – Binigyan ng tulong ang pitong mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na bumalik sa gobyerno ito ay para makapagsimula ng kanilang bagong buhay.
Sinasabing dahil sa magandang programa na Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) ng pulisya sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo sa komunidad, sumuko ang pitong mga rebelde sa mga pulis dala ang matataas na kalibre ng armas.
Kabilang sa mga sumuko alyas “Androwa” na miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) simula pa noong 2013 at naging team leader noong taong 2014 at naging squad leader noong 2015.
Napag-alaman na si alyas “Androwa” ang itinuturong responsable sa mga landmine operation at mga engkwentro sa pagitan ng 28th IB, Philippine Army at 71st IB partikular na sa lugar ng Pantukan.
Kabilang rin sa mga sumuko sina alyas “Jane” isang Supply/Medic Officer ng F-2 Squad 2, alyas “Waway” miyembro ng Regional Political Committee (RPC); SMRC na dala ang kanyang Colt caliber .45 pistol at dalawang Colt .45 magazines; isang caliber .45 at 27 live ammunition para sa .45 caliber pistol; alyas “Ben” Vice Team Leader, Headquarters SMRC; alyas “Rigel” na dating miyembro ng Militia ng Bayan (MB)/Courier kung saan dala nito ang ULTIMAX cal. 5.56 Light Machine Gun isang Improvised Explosive Device (IED) CAPTO, at anti-personnel mine; alyas “Nestor”; at si alyas “Ojie” at dala nito ang isang .38 revolver.
Isasailalim rin ang umano mga ito sa programa ng gobyerno na E-CLIP para makapagsimula ng bagong buhay at mamuhay ng mapayapa.