Nag-anunsiyo ang ilang Local Government units ng kanselasyon ng pasok sa eskuwela dahil sa ikinasang tigil-pasada ng mga transport group.
Una ng inanunsiyo ng transport group na Manibela na mayroong 240,000 na mga traditional jeepney operators ang lalahok sa nationwide tigil-pasada.
Dahil dito ay may ilang Local Government Units at ilang ahensiya na rin ang nag-alok ng libreng sakay.
Ilan sa mga LGU na nagkansela ng pasok at ilipat na lamang sa online class ay ang mga sumusunod:
Paranaque, Pasay City, Malabon, Las Pinas, Caloocan, Marikina City, Pampanga, Laguna (Binan, Cabuyao, Calamba, San Pedro City, Cabuyao City, Sta. Rosa); Dagupan City, Pangasinan; Binmaley, Pangasinan at Binangonan, Rizal.
Habang ang mga unibersidad ay ang mga sumusunod: University of Santo Tomas:University of the East – Caloocan at Manila campuses, San Sebastian College – Recoletos Manila:, San Beda University – Rizal at Manila campuses; Polytechnic University of the Philippines- all branches: National University-Nazareth School; National University – Manila; Miriam College; Lyceum of the Philippines University-Manila:FEU High School; Far Eastern University Manila at Makati campuses; De La Salle University – Manila at Laguna Campus; Ateneo de Manila University: undergraduate and graduate classes of the Schools of Education and Learning Design, Humanities, Management, Science and Engineering, and Social Sciences; Adamson University.