-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ang ilang local govenment unit sa bansa ng walang pasok ngayong araw ng Lunes.

Ang Pasig City ay inanunsiyo ang walang pasok sa paaralan ng all levels public man o private.

Habang sa La Union ang mga bayan ng Bacnotan, Balaoan, Luna at Bauang ay nag-anunsiyo ng kawalan ng pasok ngayong araw public at private sa lahat ng antas.

Base naman sa Department of Education na aabot sa 842 na mga paaralan ang nagpaliban ng pagbubukas ng klase ngayong 2024-2025.

Sa National Capital Region ay mayroong 225 na paaralan habang sa Rehiyon 1 ay mayroong 95 na paaralan.

Sa Region 3 ay mayroong 452 na paaralan sa Region IV-A ay mayroong 66 at Region 12 ay mayroong apat na paaralan.