-- Advertisements --

Dumarami na ang mga lugar sa Metro Manila ang gumagawa ng sariling bicycle lanes.

Kabilang dito ay ang lungsod ng Pasig at Taguig kung saan bibigyan ng daan ang mga nagbibisikleta para malayo sila sa disgrasya.

Sinabi ni Pasig chief transport planner Anton Sy na patuloy pa rin nilang ipapatupad ang local ordinances sa mga safe bicycle pathways at ganun din sa bicycle parking.

Nauna ng ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bago pa man magkaroon ng coronavirus ay mayroon na silang mga bike lanes na kanila na lamang itong aayusin habang sa San Juan City ay inilunsad kamakailan ang Makabagong San Juan Pop-up Bike Lanes.

Magugunitang tumaas ang bilang ng mga bumibili ng bisikleta dahil sa problema pa rin ng transportasyon sa National Capital Region.