-- Advertisements --

Nagpahayag ang ilang mga world leaders na sila ay dadalo sa libing ni Pope Francis sa araw ng Sabado.

Ilan sa mga dito ay sina US President Donald Trump, United Kingdom Prime Minister Keir Starmer, Argentinian President Javier Milei, Ukraine President Volodymyr Zelensky, French President Emmanuel Macron habang kakatawanin naman ni Prince William ang amang si King Charles III.

Nakatakdang ilipat naman sa St. Peter’s Basilica ngayong araw ng Miyerkules ang katawan ng 88-anyos na Santo Papa para may pagkakataon ang publiko na magbigay ng huling respeto.

Magugunitang isinapubliko na ng Vatican ang larawan ng burol ni Pope Francis kung saan nakalagay ito sa pulang kabaong at may hawak itong rosaryo.

Bantay sarado ito ng Swiss Guard ng Vatican na siyang tagabantay mula pa noong 1506 kung saan kinuha sila noon ni Julius II ang Swiss mercenaries bilang kaniyang taga protekta.