-- Advertisements --
Ilang mga local showbiz personalities ang kinilala ang Bureau of Internal Revenues (BIR).
Ito ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Vice Ganda na mga nangungunang celebrity taxpayers ng Quezon City.
Kabilang din sa listahan sina Michael V at Bea Alonzo.
Nakatanggap ang mga ito ng pagkilala sa kickoff ng 2025 Regional Tax Campaign.
Sinabi ng actor na si Dingdong Dantes, na mahalaga ang pagbabayad ng tamang buwis dahil ito ay napupunta rin sa mga mamamayan.
Habang ang mag-asawang sina Dennis at Jennylyn ay ipinaalala sa publiko na ang deadline ng pagbabayad ng income tax returns ay hanggang Abril 15 na lamang.