-- Advertisements --

Nagsimula ng magbigay ng donasyon ang ilang mga lokal artist ng bansa sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa bahagi ng Mindanao at Visaya.

Isinabay ng actor na si Gerald Anderson ang kaniyang donasyon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Isa kasing Auxiliary Commander ng Philippine Coast Guard ang actor.

Isinakay nito ang mga donasyon niyang sako-sakong bigas at ilang kahon ng purified drinking water sa BRP Gabriela Silang na patungong Western Visayas at Northeastern Mindanao.

Personal naman na sumama ang actress na si Kris Aquino kay Vice President Leni Robredo na namahgi ng mga tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Haimamaylan City, Negros Occidental.

Pinasalamatan ni Vice President Robredo ang tv host/actress dahil hindi nagdalawang isip na magbigay agad ng tulong.

Nauna rito nagbigay na rin ng tulong ang actress na si Angel Locsin sa mga biktima ng nasabing bagyo.