Nagbigay din ng suporta ang ilang local celebrity sa bansa sa transgender woman na nakaranas umano ng diskriminasyon sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
Sa kani-kanilang mga social post ay ipinaabot ni Miss Universe Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Erich Gonzales, Heart Evangelista, Vice Ganda, Frankie Pangilinan at Ice Seguera ang kanilang mga mensahe.
Nag-post si Miss Universe Catriona Gray ng larawan na hawak ang LGBT flag.
Larawan naman ng isang ginger bread boy ang ipinost ni Pia Wurtzbach na isang halimbawa ng nakaranas ng matinding diskriminasyon.
Kuwento naman ni Ice Seguera na noong ito ay nasa National Youth Commission ay pinipigilan niyang uminom ng tubig tuwing may dinadaluhang okasyon para maiwasang makagamit ng banyo.
Magugunitang umanin ng batikos ang ginawang pagharang ng janitress ng isang mall sa Cubao ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez nang magtangkang gumamit ng palikuran ng pambabae.
Humingi na rin ng paumanhin may-ari ng mall kay Diez at tiniyak na pagsasabihan ang mga empleyado nito.