-- Advertisements --

Ibinahagi sa kanilang fans ng ilang local showbiz personalities kung paano nila ipinagdiwang ang Pasko ngayong taon.

Naging pribado ang pagdirwang nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na sa unang pagkakataon nagdiwang ng Pasko bilang mag-asawa.

Sinamahan naman ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang fans na nanood ng kanilang pelikulang “Rewind” na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Nagtungo naman sa ibang bansa kasama ang kanilagn pamilya ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Juila Barretto.

Habang ito ang unang pagkakataon na kasama nina Jessy Mendiola at Lucky Manzano ang anak sa Pasko.