-- Advertisements --

Pabor ang ilang mga lokal na opisyal sa Mindanao na palawigin pa ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ayon sa militar, dalawang gobernador at siyam na alkalde ang pabor sa Martial Law extension.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen Edgard Arevalo, patuloy na nag iikot si AFP Chief of Staff Galvez sa Mindanao para alamin ang saloobin ng mga local chief executives kaugnay sa planong pagpapalawig ng Batas Militar.

Sa ulat na nakuha ng militar ang dalawang gobernador na pabor para mapalawig ang martial law ay sina Gov Jayvee Tyron Uy ng Compostela Valley at Gov Herminia Ramiro ng Misamis Occidental.

Habang ang siyam na alkalde ay sina Mayor Jonalette De Pedro ng Bagumbayan Sultan Kudarat, Mayor Edna Odka Benito ng Balabagan Lanao Del Sur, Mayor Akmad Ampatuan ng Shariff aguak Maguindanao, Mayor Roger Taliño ng Carmen North Cotabato, Mayor Felix Manzano ng Don Carlos Bukidnon, Mayor Angelito Martinez ng San Miguel Zamboanga Del sur, Mayor Lina Montilla ng Tacurong City at Mayor Amirh Musalin ng Columbio Sultan Kudarat.

Sinabi ni Arevalo na maaring dumami pa ang bilang ng mga local chief executives na pabor sa palawigin ng Martial law.

Naniniwala kasi ang mga local chief executives na malaking tulong ang martial law sa pagpapanatili ng peace and order sa kanilang
mga lugar.