-- Advertisements --

Ilang lugar na sa bansa ang inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 dahil sa bagyong “Marce”.

Ayon sa PAGASA, mas lumakas pa ang nasabing bagyo.

Base sa kanilang pagtaya ay nasa 715 kilometers na ito sa silangang bahagi ng Daet, Camarines Norte.

May taglay ito na lakas na hangin na 100 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 125 kph.

Nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng Batanes, Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Gattaran, Peñablanca, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Alcala, Amulung, Iguig sa Cagayan; Babuyan Islands; Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue sa Isabela; Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol sa Apayao at sa mga lugar ng (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar sa Ilocos Norte.
Ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan na hanggang sa araw ng Martes ay nasa karagatan ng dulong Luzon.

Nakatakda rin itong mag-landfall sa bisinidad ng Babuyan Island o sa mainland northern Cagayan sa gabi ng Huwebes sa Nobyembre 7.